Biyernes, Marso 30, 2012

Anak nga ba ni Dr. Jose Rizal si Adolf Hitler? (Teorya)

            

Anak nga ba ni Dr. Jose Rizal si Adolf Hitler?
(Isinalin ni JL Dungca)
i-HIGH LIGHT ang teksto para makita ang mga tagong mensahe]:-)

           Si Adolf Hitler ay totoong anak sa labas ni Dr. Jose Rizal. Ito pa ang isa sa nakatutuwang bagay na aking narinig. si Mao Zedong ay anak rin sa labas ni Dr. Rizal. May pinagkaiba ba? ang sigurado ako "Naks! kaya ng Pinoy".

          Ngunit, ang dalawang teoryang ito ay nakakatawa, hindi ko nga maisip na itanong ito sa ibang tao upang mas patotohanan pa ang mga pagkakaugnay ng "Der Fuehrer" at ng "Great Helmsman" maging   
ang mga kasalukuyang mag-aaral ay hindi magawang magtanong tungkol sa nakakatawang haka-hakang ito kaya narito ang ilang sa mga pangyayaring maaaring mag-ugnay kina Dr. Rizal at Hitler bilang mag-ama.

          Ang isyu tungkol sa sinasabing anak ni Dr. Rizal si Hitler ay maaaring ibatay sa mga sumusunod na KATOTOHANAN:

* Ipinanganak si Adolf Hitler noong Abril 20, 1889 (nangangahulugang nabuo (sinapupunan) siya noong Agosto, 1888), sa maliit na bayan ng Braunau, malapit sa hangganan ng Germany at Austria.

* Ipinanganak at nanatili siyang Austian hanggang Dekada '30.

* Klara Polzl ang pangalan ng kanyang Ina.

* Minsa'y naging kasambahay sa Vienna.

* Laging kinikilala ni Hitler ang lugar ng kanyang kapanganakan, ang bayan ng Linz sa Austria (tinawag niya itong "my home-town of Linz on the Danube" sa kanyang politikal na pahayag).

* Si Gustav, pinakamatandang kapatid ni Hitler, ay ipinanganak noong Mayo 17, 1885, at ang kanyang ate na si Ida na ipinanganak noong 1886 ay parehong namatay bago pa man ipinanganak si Adolf.

* Bavaria ang tinaguriang "Cradle of Narzism".

* Ang bansang Japan ay ginawang isa sa mga "axis power" ng Narzism, at minsan sinubukang patunayan na sila ay mga Aryans para makasama lamang sa tinatawag nilang "Master Race".


Ngayon pagsamahin ang mga tala sa itaas sa mga nakalistang tala mula sa buhay ni Dr. Rizal:


* iniwan ni Rizal ang Pari noong Pebrero 1, 1886 para pumunta sa Germany. nagtungo siya sa Heidelberg, Wilhlmsfeld, Munich (sa Bavaria), at sa hangganan ng Germany at Austria. nagtungo naman siya sa Leipzig noong Agosto 9, 1886 (bumisita sa iba pang lungsod sa Germany, ayon sa ilang aklat), nakarating noong Agosto 14 at noong Oktubre, nagtungo naman siya sa Dresden at pagkatapos, sa Berlin.

* Natapos niya sa Berlin ang Noli Me Tangere, isa sa mga tauhan nito ay si Maria Clara.

* Sinimulan niya ang kanyang paglilibot sa buong Europa noong Mayo 11, 1887. nakapunta siya sa Dresden, Teschen (ngayon ay Decin sa Czech Rep.), Prague, at sa Brunn (kung saan niya nawala ang kanyang "diamond stickpin"), sa Vienna (kung saan naibalik sa kanya ng isang kasambahay ang kanyang "diamond stickpin" sa hotel na kanyang tinuluyan sa Brunn) sa Austria.

* Noong Mayo 24, 1887, umalis siya ng Vienna sakay ng bangka upang makita ang ilog ng Danube (sa bangka, dito siya unang nakakita ng tissue). nagtapos ang kanyang biyahe sa Linz.

* Mula Linz, nagtungo siya sa Munich (kung saan nagtangkang bumuo ng kilusan si Hitler noong 1923) at Nuremberg (lugar kung saan nagaganap ang pag-aaklas ng mga Nazi at mga pagdinig sa korte), at iba pang lungsod sa Germany.

* Nasa Imperyo ng Aleman si Rizal at minsan lumalabas din sa hangganan ng Germany at Austria, mula Pebrero 1886 hanggang noong pumunta siya sa Switzerland noong Hunyo, 1887.

* Muliing bumalik ng Europa si Rizal mula Mayo 24, 1888 hanggang Oktubre 18, 1891, nagpunta siya ng London, Paris, Brussels, Madrid, Biarritz, Ghent. Nasa Europa siya noong panahon na nabuo (sinapupunan) hanggang sa ipinanganak si Hitler.

* Noong 1888, nagkaroon ng ugnayan si Rizal sa isang Haponesa, si Seiko Usui, noong bumisita siya sa Japan. Nagkaroon siya ng isang anak na babae, si Yuriko na anak ng isang banyaga ilang taon matapos niyang makilala si Rizal. Si Yuriko ay naikasal sa isang anak ng politiko sa Japan.

          Sa pagsasama ng mga impormasyon sa itaas, maaaring mabuo ang mga sumusunod na kongklusyon; baka nabuo (sinapupunan) si Hitler noong 1887 nang pumunta si Rizal sa Linz o sa ibang lugar (tulad ng Brunn- kung saan niya nawala ang "diamond stickpin", at sino ang kasambahay na nagsauli nito sa blumentritt para ipadala sa Vienna?) malapit sa hangganan ng Austria at ang mga nakatatandang kapatid ni Hitler ay mukhang hindi totoo, para pagtakpan ang pagdadalantao kay Hitler. sa madaling salita, ipinanganak si Hitler bago mag 1889.

       O dinadala (conceived) siya noong Agosto, 1888, nang si Rizal ay pinaghinalaang nasa London, o Setyembre, 1888 noong pumunta si Rizal sa Paris ng halos isang linggo (para makipagkita kay Klara?) ang koneksyon ni Rizal ay nakasentro sa Linz, kaya minabuting tumira rito ng pamilya ni Klara (para mabuhay dito ng may inaalalang masasayang sandali). Kaya iba na lamang ang nararamdamang giliw ni Hitler sa nasabing lugar.

      Bilang panghuli, ang anak ni Seiko Usui ay hindi talaga anak ng kanyang banyagang asawa (Alfred Charlton), isa lamang itong palabas. si Yuriko ay anak mismo ni Rizal at alam ito ni Hitler. ito ang dahilan kung bakit mariin ang pagtanggap ni Hitler sa mga Hapon bilang isa sa mga "master race" at gawin ang japan bilang kaalyansa ng mga Nazi.ito rin ang dahilan kung bakit bakit pilit sinasakop ng Japan ang Pilipinas noon. Sinabi ni Yuriko kay Hirohito noon na mas maa-apprecite ni Hitler kung magiging alyansa nila ang lugar ng kanilang Ama, at syempre, ang dahilan kung bakit gustong-gustong maging diktador ni Hitler sa Germany ay dahil dito ginugol ng kanyang Ama ang ilang mahahalagang taon ng kanyang buhay.

          Ito siguro ang dahilan ng pagsulpot ng teoryang ito dahil na rin sa mga impormasyong makikita sa mga aklat ng High School tungkol kay Rizal at sa ilang magagandang nasulat tungkol sa talambuhay ni Hitler. maaari lamang itong ikonekta gamit ang mga piling-piling mga gamit ng ebidensya, subalit hindi ito makaaambag sa anumang kasaysayan na nasusulat (?)

       Ngayon para naman sa teorya na si Mao Zedong ay anak din ni Rizal, sa kasamaang palad, ang teoryang ito ay malabong suportahan ng mga ebidensya. una, si Mao Zedong ay ipinanganak noong 1893 sa Hunan Province, malapit sa Hong Kong. ngunit, noong panahon na iyon (1893), si Rizal ay nakapiit sa Dapitan. Pangalawa, mas posible na mas mabuntis ni Rizal si Klara dahil nasa Europa rin si Rizal noon hindi tulad ngayon na imposibleng mamangka si Rizal papuntang Hong Kong ng walang nakakakitaNakadaan nga siya sa Hong Kong noong 1888 at 1891 ngunit hindi nababanggit na bumisita pa siya sa ibang parte ng China maliban sa Xiamen at Macao, at wala na ngang datos pa na maaaring laruin patungkol sa teoryang ito.

(Original text in English)
source: http://www.cebutravelsite.com/

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento