Translate

Martes, Enero 4, 2011

Mandirigma Bang Tunay?


(Inspired by the film “Man of La Mancha”)


Mandirigma bang tunay?
Gayong wala namang lupon ng mga kawal,
Isang kasinungalingan
Sa mga tao’y ibinibigay.

Mandirigma bang tunay?
Sinimulan na ang kaguluhan,
Sa isipa’y naglalaban
Tunay na pananagutan.

Mandirigma bang tunay?
Gayong puso ang nangingibabaw,
Sa laban ng puso’t isipan
Sino ba ang aayaw.

Mandirigma bang tunay?
Ikinulong ka ng lipunan.
Kasiyahang hinahanap
Kailan mo ba matatamasa?

Mandirigma bang tunay?
Sinaktan ng katotohanan
Sa mundong puno ng kasinungalingan
Ikaw ba ay may laban.

Mandirigma bang tunay?
Handang mamatay sa ipinaglalaban
Nanumbalik ang katotohanan,
Ligaya ang tinatamasa.

Mandirigma bang tunay?
Tunay ngang mandirigma,
Napatunayan din,
Sa wakas…