Translate

Martes, Pebrero 8, 2011

E S P A S Y O


(Inspired by the play “Huling Pahina”)

Saan ang iyong patutunguhan?
Dito sa lipunang pilit kang ‘binabasura,
Dinidiktahan maging ang ‘yong katauhan,
Kailan ba magsasalita?

Tama ba na ika’y ihulma?
ng Poncio Pilatong sabi’y may likha.
Gamit ang makapangyarihang pluma
Nagsalita alang sa mga dukha.

Ano ang iyong katayuan?
Sa huling sandali ng kasaysayan,
Nangangambang ika’y makalimutan,
Sa pagkamit ng aming kalayaan.

Kailan ka ba lalaya?
sa mapanlinlang na kulungan iyan.
Tanging siya lang ang nakaaalam,
Ng iyong magiging hantungan.

Bakit ba pinipilit pa?
Ang pag-eksena sa napipintong pagsasara,
Pagsasara ng isang kasaysayan,
Na kalian ma’y hindi malilimutan.

Kailan ka ba eeksena?
Kailan makikita ng lipunan ang tunay mong katauhan,
Katauhan na nalipat sa sinasabing maylikha.
Kalian ka magiging bida?

Ngayong tapos na ang palabas,
Ano pa ang iyong aasahan?
Tapos na ba ang palabas?
Tapos na, tapos na nga.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento